
Naniniwala ka ba sa soulmate-soulmate na yan?
Name: Jeffrey
Sa tingin ko: HOI PALITAN NA TONG TOPIC PLS
JOAN..SUGGESTION NAMAN DYAN OH
ANYONE,,,PLs....
Sign Time: August 27 1998 at 11:16:49
Name: Jon
Sa tingin ko: Sabi nila, kapag soulmate daw, hindi nagkakatuluyan> Puwede ba Yun?? Kaya
nga soulmate eh. Kaya kung ako sa inyo, wag kayong maniniwala sa sabi-sabi!!
Sign Time: August 17 1998 at 02:59:47
Name: oNGAnoh?!
Sa tingin ko: tama ka dyan at anlabo nga nung pangalawang tanong kasi tinamad na akong baguhin yan haha =P o wag na magreklamo at sumagot na lang magantay na lang din sa susunod na topic... wala pa akong oras magpalit..siguro bukas... =P yun lang po mga kababayan...*bow*
Sign Time: August 16 1998 at 05:27:19
Name: cOnFuSeD sHoEs =P
Sa tingin ko: hello mga anacondz!!! hmmm...matagal-tagal na rin 'tong topic na 'to ah...wala kayong balak palitan?!..hehe...mukhang talagang hinihintay nyo sagot ko bago ma-change yung topic ah =P..o sya sya...i'll impart some words of wisdom na nga para naman we can all move on na...tungkol dyan sa soulmate-soulmate ekek na yan...oo naman naniniwala ako dyan...there is a person(s) out there perfect for you...pero sa tingin ko nasasayo na rin yon kung magiging soulmates nga kayo o hindi...fate can only take you up to a certain point..kung baga destiny leads you to each other..pero from that point on..the rest is up to you...nasasayo na yon kung ita-take mo ba yung chance o hindi...kasi hindi naman pwedeng tutunganga ka na lang at hihintayin mong biyayaan ka ng tadhana...aba hindi naman ata pwede yon...ano ka sinuswerte?!...shempre sa buhay natin may mga parts na nakatakda na...some of it is written by God..some of it is written by fate (ay teka prehas lang ata yun...is fate written by God?)..pero what makes us who we are is the part written by us...sa madaling salita eh life is what you make of it...so ikaw rin ang gumagawa ng soulmate na yan...gets ba?!...nyeee bakit parang sa dinami-dami ng sinabi ko eh hindi ko sinagot yung tanong?..hehe..napapunta ata sa fate yung topic...o anyway...basta yun ang paniniwala ko...o ano na next topic?!...hehe o yun lang po...i thank you *bow*
Sign Time: August 12 1998 at 07:57:29
Name: young werther
Sa tingin ko: hoi mga anacondaz, comment lang ha... ang weirdo naman nung follow-up question! yung "kung hindi... kelan kaya" ... eh hindi nga siya naniniwala tapos tatanungin ninyo kung kelan kaya... diba? hmmmmmmn ewan ko lang ha naweiweirduhan lang kasi ako, baka pwede niyong i-rephrase para hindi naman magulo...
hmmm ahuy! andito na rin lang eh sasagut na rin pala ako, hehe. opo! naniniwala ako diyan sa soulmate kasi ay natagpuan ko na siya...lintek nga lang may soulmate na daw siyang iba, buhuhuhuhuuu :(~~ leche! meron ba namang ganun?!
Sign Time: August 09 1998 at 06:54:18
Name: =Þ
Sa tingin ko: soulmate??? hmmm siguro na-niniwala ako...pero I guess hindi ko pa sya na tatagpuan
pero never know naman di ba..malay mo iyong kahaparap mo na pala iyong tinutukoy mong
soulmate o kaya naman iyong matalik mo palang ka away....kung meron nga soulmate na naka
takda para sa akin kusang darating yon...hindi ko sya kailangang hanapin pah...I guess yon
lang ang masasabi ko muna =)
Sign Time: August 08 1998 at 01:18:38
Name: merry joy =)
Sa tingin ko: Soulmate?...ewan ko. I WANT TO. i mean...hindi ba sweet pakinggan...to have ur soulmate, nakita mo, nakilala mo. Kaya nga lang minsan ang hirap maniwala...para bang sa movie lang sya nangyayari. I guess, pagmeron na kayong natagpuan at nakilala...someone who understands u...knows you...loves you...i guess that's the time u'll say "I FOUND MY SOULMATE." hahaha...i dont know why im saying this coz i havent found IT yet...but i'd like to say...i do believe in it =)!
Sign Time: August 06 1998 at 02:30:16
Name: my golly mizz cherry
Sa tingin ko: my gaaaaaash...how lalim naman the question...it's like wow pare i'm lunoding! but for sure naniniwala ako sa soulmate ekek na yan...don't tanong me why though...it's just basta! pero dehins ko know if i hanaped or kilalaled him already...maybe? like i don't really alam for sure...but once i do hanap hanap him i'll letcha know...alrighty? toodles!
Sign Time: August 05 1998 at 05:05:42
Name: jayme
Sa tingin ko: hindi ako naniniwala ......kasi ikaw ang gumagawa ng destiny mo!
Sign Time: August 05 1998 at 01:48:46
Name: hebigat
Sa tingin ko: wow pare hebi naman walang sumasagot... walang pumupunta...tsktsk kakanta na lang ako... *bow* i've got a bad disease... up from my brain is where i bleed...insanity it seems..is got me by my soul to squeeze... *bahbahbah* where i go i just don't know.. i got to.. got to.. gotta take it slow.. when i find my piece of mind... i'm gonna give you some of my good time... hmm...koneksyon?
*drumroll* wala may soul lang *tajeng* *bow*
Sign Time: August 03 1998 at 11:24:18
Name:
Sa tingin ko: Sa Soulmates.....HINDI....Nada....IYE....and NO!!!!!
Sign Time: July 31 1998 at 23:52:23
Name: George Gershwin
Sa tingin ko: Ewan ko. Pero I don't think the concept of "soulmates" is limited to male-female romantic and/or sexual relationships. For some people, anyway. I know this heterosexual girl who believes her soulmate is another girl. I suppose it would be hard to admit between guys, if it does occur, because of a certain amount of homophobia. I don't know. I don't know if I believe in soulmates. I think I used to. It's an interesting concept, though. Hmmm.
Sign Time: July 31 1998 at 12:07:57
Name: soulmyface
Sa tingin ko: di ko alam ang isasagot ko. Ang hirap naman hindi ko talaga alam kung mayroon nga nyan eh! Kung meron man eh ewan ko rin kung nakita ko na, kung wala eh di ko rin alam eh. Pero siguro nga, siguro lang ah, meron soulmate soulmate na yan. Oo nga yung swak nga sabi ni Jeffrey&Joan, swak na swak yung soulmate. Pero sa tingin ko ay hindi naman kapag soulmate eh may namamagitan sa dalawang iyon. Pwedeng mag-bestfriend lang or kaibigan lang, siguro pwede ngang kapatid eh or relative? or basta kaclose...bale ganun siguro yun...kapag soulmate ay hindi ibig sabihin na may namamagitan(pag-ibig...what have you). So ayun...ewan ko kung natagpuan ko na kung meron nga...o kelan kaya? Pwede bang magtanong? (oo!) Paano mo naman malalaman na yun na yung soulmate mo? Kaya ayun bago ako maniwala kelangan ko muna malaman at makita ang soulmate ko kung meron man...ang hirap diyan eh kung paano ko malalaman na soulmate na nga iyon...intiendes?
Sign Time: July 31 1998 at 11:22:18
Name: Jeffrey and Joan
Sa tingin ko: hmmm..napakagandang tanong...soulmates??ano
yun??hahaha...hmmm..alam nyo mga kumpare...
mga kumare..mga amigo at amiga...nainiwala
ako dyan eh..este kami pala..(joan naniniwala
ka rin ba??hehe) na ano...merong soulmates
..sa dinami dami ba naman ng tao sa mundo eh
paniguradong merong isa dun na tugmang tugma
para sa iyo...na parang swak na swak at MFEO
(Made for each other) kayo..haha...ang ibig
kong sabihin eh ang dalawang magsoulmates eh
ano yun..parang nagtutulungan kayo sa lahat
ng bagay..kung saan ka magaling..mahina yung
soulmate mo..kung saan naman sya magaling
dun ka naman mahina..ngeks..anlabo ba?basta
sa lahat ng bagay eh nagcocomplement kayo..
sabi ko nga..swak na swak..hehe...tsaka pag
nagkasama kayo eh parang meron kayong common
goal...parang perfection..ayon sa libro
ni Jaime Licauco entitled...nalimutan ko title
heheh..ngeks..basta yun na yun ok?
hmmm...ayan naniniwala na ako..este kami
pala...pero mahirap ang sunod na tanong..kahit
ako dehins ko alam yan...nakita ko na nga
ba ang soulmate ko??hmmm...ano sa tingin nyo?
napakahirap sagutin...ay ewan...sumasakit ang
ulo ko..hahha...(hmm..si joan kaya nakita na?)
ngeks...haha...basta kung gusto nyo makita ang
inyong soulmate..may mga paraan yan eh..ayon
sa libro na nabasa ko...unang una you gotta
beleive na meron ka ngang soulmate..tapos
positive thinker ka...at pangatlo..pinagdarasal
sa diyos yan eh...basta..parang ganun....
hihiramin ko na lang ulit yung libro at isusulat ko
dito lahat ng steps..ok??5,6,7,8..oh romeo
romeo..blah blah..hahaha...o sige ppl
babay...nice topic fafa jerr
Sign Time: July 31 1998 at 10:27:22
[Balik sa Main!]
[Ano sa tingin mo?!]
